Sunday, February 20, 2011

Kapag bumalik ang x mo, anong sasabihin mo?

Grabe, super hindi ako makatulog kasi me nabalitaan akong napakagandang balita at naexcite ako at para madagdagan pa ang excitement ko, nkita ko pa ang fb account niya, yum! Hahahaha. eto ang blog na hindi niya pwedeng mabasa. hahahahaha. Hay, gusto ko lang makatulog.... Habang hindi, nag-isip ako ng mga bagay-bagay at eto ang naisip kong ibuhos ang enerhiya ko, sa tanong na, kapag bumalik ang x mo, ano ang sasabihin mo? Marami sa mga x ko, ang marami akong gustong sabihin pero hindi ko sila papangalanan, wala lang ayoko lang.

Para sa x ko whose name rhymes with Shroon Shrosa, 'Ngaun naiintindihan ko na ang lahat, no need to explain the past. Bakit ka pati babalik ngayon, hindi mo ba magamit ang pamilya ng ipinalit mo sa akin?'
Burn!!!!! Babala, wag na wag kang babalik na manggagamit ka, dahil hindi lang yan ang masakit na sasabihin ko sa 'yo. Sisiguraduhin kong sa sobrang sakit ng maririnig mo sa akin, magdidilim ang paningin mo at makakalimutan mong babae ako, at wag kang mag-alala, nakahanda akong saktan ka ng pisikalan kapag sinaktan mo ako.
Para sa x kong whose name rhymes with Vice Vaymundo, 'Wag na, no chance, me ilang panganay ka na noh. Ayoko ngang mag-anak gagawin mo naman akong instant mommy to N number of kids, ano ako, just add hot water?'
Ok lang na magpapabalik balik ka once a year, it gives me satisfaction na hindi ka na nakahanap ng better than me. I love your family as in wala akong maisip ni isa sa mga x ko na mahal ko ang pamilya tulad ng pagmamahal ko sa family mo so I'd rather be friends with you, kung ok lang.
Sa isa mga x ko whose name rhymes with Raolo Ran Rose, 'Sino ka? Kilala ba kita?' (gagayahin ko si Toni sa My Amnesia Girl)
Ito ang pinakanakakalokang taong nakilala ko. Kesyo nagCanada daw siya kaya kelangan naming maghiwalay pero mga 1 month pa syang nagtraining sa APAC non. Whatever. Nagsisi akong jinowa ko ang taong ito kaya magpapanggap na lang akong hindi ko siya nakilala, hinalikan or whatever.
Para sa x kong whose name rhymes with Jenneth Jantimbuhan, 'I love you din pero we're better na ganito lang tayo.'
May age gap tayo alam mo yan, tapos sa mga pinaggagagawa mo pa recently marami akong kinukwestiyon at naguguluhan ako, mabuti pang wag na lang saka ikaw ang x na kahinaan ko at basta. Sa tingin ko kapag hindi nagworkout for us for the second time, parang hindi ko na alam kung anong susunod na mangyayari sa atin na mabuti na lang na wag na lang nating itry, ok na yung kung ano yung meron tayo.  

No comments:

Post a Comment