When is the right time to fall in love again? Is it after the painful separation or after some time?
Para sa akin, kelangan after some time kasi kapag right after baka naman maging rebound lang kayo ng isa't isa eh pero mukhang wala rin namang masamang maging rebound kasi kapag naging rebound ka ng isang tao, pwedeng super maattched na siya sa yo kasi nga nahurt na sila pero ang masama rin sa pagiging rebound ay syempre, me puwang pa rin sa puso nila yung original nilang mahal, replacement ka lang.
Ang problema naman sa after some time eh baka me mga napalagpas ka ng mga taong pwede ka sanang mahalin, pinagantay mo lang ng matagal kaya nagsawa na sila sa kakaantay, ang arte mo kasi. Hahahaha. Sa tingin ko, wala rin yun sa timing eh, nasa tao yun. I mean, kung yung taong papalit at muling paiibigin ka ulet ay ang taong destiny mo na or nakatakdang mahalin maging siya man ang the one or hindi, eventually mamahalin mo rin siya. Kasi me nagsabi sa akin nung isang araw, hindi naman sa hindi ka ready noon, sadyang pagdating sa kanya, ready ka na. hahahaha, at first, hindi ko naintindihan pero parang ang point ng nagsabi non, kahit noong January pa dumating ang taong ito, kahit anong arte ko sa ayoko ng masaktan BS and all that tatanggapin ko pa rin siya.
No comments:
Post a Comment