Sunday, May 22, 2011

Elevator conversations

9 floors yung building namin pero kasi me kashare kaming ibang company sa building namin at grabe, kahit 2nd floor lang ineelevator pa nila na kahit mas matagal pa yung pag-aantay nila kesa sa pagsakay nila eh talagang tinatiyagan nila. Grabe, kaya napakaraming matataba at malalaki ang ass dun eh, hindi kasi marunong maglakad. Hay naku.
Anyway, inorasan ko na ang pagbaba kasi seryoso humihinto sa 2nd floor, 3rd floor at 4th floor yung elevator at umaabot ng 3 minutes ang elevator. Hay nakow at dahil dun marami akong naririnig na usapan ng mga taong nakasakay dun.
One time, syempre yung bwisit ng mga tao sa mga taga-2nd 3rd and 4th floor. I mean, alam naman nilang may sapak yung mga elevator sa amin na nasstuck yung mga tao pero wala, kahit na puno, pupunuin pa rin nila eh alam naman nilang sobrang laki at taba nila! OMG. One day, I hope, mastuck sila sa elevator at malate para matrauma naman sa pageelevator.
Me narinig pa akong kwentuhan ng dalawang lalake tungkol sa mga babae na narealize ng isang lalake na yung girl niya ay panget pala kapag walang make-up. I don't think the girl that they were talking about is not his girlfriend kasi kung pag-usapan at laitin nila eh mukhang FUBU lang niya or whatever yung girl. Sabi kasi ng kausap niya ayos lang yun pare, madilim naman kapag nag-aano kayo eh or gusto mo takpan mo na lang yung mukha ng kumot.
Isa pa sa mga kwentong naririnig ko sa elevator eh tungkol sa isang babae. Pinag-uusapan ng dalawang babae ang isang babae nila friend na nagpapakatanga sa isang lalake. Ang kwento nila eh ginagawa na ng girl lahat para sa panget niyang boyfriend pero wala pa rin at mukha na talagang tanga yung friend. Nangiti na lang ako sa elevator because the story was so familiar and at least this time, hindi na ako ang CONCERNED friend na nasisira ang araw dahil sa isang WALANG KWENTANG lalake.
May isa pang buong team ang pumasok sa elevator at narinig ko ang kwento nila tungkol sa isa nilang team mate na tinatawag nilang baliw. Itong baliw nilang team mate magaling naman sa stats and whatever kaya kapag nagsumbong daw sa TL eh malamang mas kakampihan pa yung baliw kahit na mas close sila sa TL nila. Hay, wala naman akong nasabi dun. Mejo kilala ko yung team na yun and if you're going to ask me, yung tao na nagsasalita sa elevator eh parang mas baliw pa sa whoever they were talking about. Hahahaha, just never like her face kasi pati eh and her negative vibes. :))
I know chismosa ako. Haha, ganyan talaga kung wala kang masyadong kasama at iniisip na naabsorb mo na lang ang pinag-uusapan ng ibang tao. In fairness, nagkaroon ako ng mga realization habang nakasakay ako sa elevator.
Actually, hindi naman marami ang naging realization ko, ang pinakamatindi kong naging realization ay mean talaga ang mga babae. I mean, imagine, laitin ba ang babae about not putting on any make-up and takpan na lang ang mukha with a kumot??? Haler, hindi siya super gwapo, ako hindi lang kumot ang itatakip ko sa kanya, pati yung kurtina saka yung pambalot ng kama saka comforter saka yung shower curtain ng banyo. Argh! tapos yung babaeng martyr, sige lang. Pakamartyr lang siya, nakakababa siya sa aming mga babae, wish her all the best though pero hopefully, one day sana makameet ng guy yun na mabuti at somebody she deserves.

No comments:

Post a Comment