Kanina nagsscan ako ng computer kasi baka me virus whatever. Naisip ko bigla na ang mahal para magpaupdate sa Windows 7 blah blah blah. Tpos sunod kong naisip na noong college kami meron kaming classmate, isa siyang self-preserver. Kapag me trabaho siyang hindi magagawa, kapag meron siyang class na hindi maattendan or meeting na hindi maattendan ang madalas niyang excuse ay yung computer niya kelangan niyang iupdate or whatever, I forgot the exact words for it. Maswerte siya kasi charming siya so me mga taga-gawa siya ng mga bagay na hindi niya magawa and people just forgives her for it pero siyempre ang pangunawa ng tao ay may hangganan at pasensya hanggang sa eventually narealize na lang ng mga tao na isa siyang self-preserver. Nobody told her or confronted her about it pero bad trip sila to work with her on a project kasi nga hindi siya reliable kakainin pa niya ang oras mo. Kaya ako, I'd rather work alone.
Wala naman talagang masama sa pagiging self-preserver, selfish ka lang at yun ang masama dun. Masama rin pati kung feeling mo oras at pahinga mo lang ang importante at ang hobbies and activities ng ibang tao ay hindi. Ano ba naman ang masama kung sabihin mong hindi ka aattend ng meeting kasi tinatamad ka or me iba kang ginagawa? Mas mabuti ng magsabing hindi ka makakapunta kesa yung paasa ka at kakainin mo ang 1-3 oras ko kakaantay sa yo di ka naman magpapakita. Pasalamat siya at hindi ako nagmasters at hindi nagkrus ang landas namin. Ngayong mas matanda na ako at me trabaho, ang aking oras at buhay ay 10 beses na ang importansya kumpara nung nag-aaral ako kasi syempre me schedule akong sinusundan para mameet ang deadline ko at meron akong active lifestyle kaya mababadtrip ako kung me isang tao ang hindi makikisama sa sched ko dahil wala siyang pakialam sa kinikita ko at sa nalolost kong money dahil sa selfishness niya. Ang oras ko nga ngayon ay parang mas importante na kumpara noon eh. Well, ganon talaga. Hahahahaha. Lalo pa ngayon na me plano na akong magnegosyo so very imprtante talaga ang bawat minuto sa akin.
Hmm, ako ba ay isang self-preserver? Hindi naman siguro kasi alam ko ang importansya ng oras kaya nga naiinis ako sa mga taong nalelate kapag meeting or what eh. I know minsan nalelate ako pero iniiwasan ko kasi nga ayokong gawin sa akin yon saka aaminin ko maiksi talaga ang pasensya ko sa pag-aantay lalo na kung hindi ko alam kung gano ako katagal mag-antay, ayos lang sa akin ang mag-antay pero bigyan mo ako ng oras kung 2 oras mo akong pag-aantayin para makapaggrocery pa ako o di kaya makapaggym, para at least me productive akong nagagawa kesa yung tunganga lang ako at nag-aantay na sana marealize ng kausap ko na importante ang buhay ko at hindi dapat inaaksaya sa makasariling tao.
Wala lang, kung asan man ang self-preserver na to sana maganda pa rin siya para patuloy siyang patawarin ng mga taong asa paligid niya at kung nagbago na siya at hindi na siya self-preserver, well, good for you at least this time, kung ano mang nakukuha mo sa buhay, you know that you deserve it.
No comments:
Post a Comment