Today, me naisip akong matindi. Minsan kelangan mong ireassess ang situation para mafeel mo na mahal ka talaga ng isang tao. Ganito kasi yan, me dalawa akong friend, si M saka si K. Si M yung girl, tapos si K yung guy. hahahahaha. Natawa lang ako. Si M kasi naniniwalang playboy tong si K dahil na rin sa nangyari ng kanilang relasyon. After ng break-up nila, hindi sila nag-usap hanggang sa nagbirthday si K which is 6 months after their break-up. Nagkaroon na sila ng kapatawaran non kasi me bf na rin naman na si M non kaso kaya pala nakipagbati tong si K kasi wala daw siya gf. Aww wrong timing, hindi sapat ang 6 na bwan para basta-basta lang ganon babalik si M kay K noh. Anyway, nagkabalikan din naman si K saka yung gf niya so hindi na sila pwede. Kahit na hindi na sila pwede, palagi pa rin silang nag-uusap at close sila kahit paano so close
sila. For two years, friends lang sila although alam nilang me pagnanasa sila at care for each other. Me nangyari na hindi na lang sila nag-usap though... ayaw siyang iaccept sa fb ni K. Hahahahaha, baka dahil selosa ang gf, hindi ko alam so hanggang text na lang sila pero since me little tampuhan sila, hindi rin sila ganon kaclose although me feelings pa rin sila. Eventually nawalan na ng bf tong si M at nung nalulungkot siya, bigla siyang hinanap sa fb ni K at inaccept naman niya. Nagpplano silang to go out and catch up kaso ewan, tapos marami namang nice things na ginawa si K for M para mafeel niya na special siya, like singing for her, lagi pa niyang sinasabi na love niya si M, so feel na feel naman ni girlita pero ewan me gf pala tong si K na hindi niya kinwento ke M. So nahurt ang pride ni M. Hindi naman siya nadepress since me iba namang boylet sa paligid pero nakakainis lang.
Eventually, kinonfront na ni M si K na bakit ganon, me gf ka pala, blah, blah, blah, blah. At ang K, sabi si M pa ang me kasalanan dahil umpisa palang sinabi na niya na me gf pa siya. Wow, sinungaling talaga at douchey pero alam ni M na me something talaga sa kanila kaya naman pinapatawad lang niya tong K na to kahit na parang tanga lang. Nagpapakaengot lang tong M na to at ang K huminto na sa kakasabi ng I love you dahil tablado siya ni M, eventually, naghiwalay daw sila ng gf niya sabi ni K at lungkot lungkutan ang gago. Nagkita sila ulit. Hindi naman sila nagkabalikan pero nung magkasama na sila. Nafeel lang ni M na parang totoo nga ang sinasabi ni K na mahal siya nito.
Hindi ko alam kung bakit, hindi naman ako si M eh. Pero kasi eventually, nagawa na niyang puntahan si M kahit sobrang layo ng lugar ni M at hindi pa rin nagbabago si K, inuunawa pa rin niya ang kainitan ng ulo ni M. Sa lahat ng x ni M, si K kahit na parang parating galit, siya lang talaga ang pinakamahaba ang pasensya kay M. Kahit na mabilis mag-init ang ulo ni M, iniintindi niya na hindi dapat sabayan at palaging intindihin kasi alam naman niyang maalaga si M, wag lang bwisitin. Maasikaso rin naman si K at grabe niyang panggigilan si M.
Marespeto rin siya kasi alam niyang onting pda lang, di na niya mapipigil kaya hindi na lang niya masyadong hinahawakan si M pero grabe syang mag-alalay at super gentleman niya. Me pagkaengot kasi si M sa balancing ng sarili niya kaya kelangang alalayan minsan.
Sa loob ng two years na nag-uusap lang sila, me mga panahong nagagalit lang si M kay K or may hindi sila pagakasunduan pero eventually si K, hindi natitiis tong si M. Si M naman kahit na laging matagal nag-aantay kay K at ayaw niyang nag-aantay, at lagi niyang sinasabi sa sarili niya na sisigawan ko to pag nakita ko pero tatawa na lang siya pag nakita niya si K, ang, cute daw kasi tapos nawawala na galit niya. After ng two years, nung nag-isip ulit si M, naisip niya na baka mahal nga sya nitong K na to at hindi yung sinasabi lang niya at tulad nga ng sabi ni K, magulo ang sitwasyon noon pero me mga soft evidence si M eh so ewan pwedeng nanggago lang din tong K. Sabi lang sa akin ni M, kahit walang masyadong nagbago, parang iba daw si K at ang pakikitungo niya, sabi ko, weh, baka namiss niyo lang ang isa't isa.... ayii!
Mukhang tanga tong dalawang to. Sa tingin ko me matindi silang feelings sa isa't isa at sa tingin ko, they care for each other and importante talaga sila kaso maraming factors ang dapat iconsider para sa isang relasyon to work. Andyan ang edad, na mas bata pa si K kay M at a significant level (haha), andyan ang layo nila sa isa't isa kaya hindi sila pwedeng magkita ng ganon ganon na lang. Andyan ang pera, syempre alangan namang si M lang lagi, di pwede yun noh at andyan ang prinsipyo nitong si M na hindi siya uulit ng bf. Oh well, if they're meant to be together, magiging sila din sa ngayon, manood na lang tayo ng masterchef australia. :)



No comments:
Post a Comment