Thursday, June 2, 2011
Unborn Child Law and Divorce in the Philippines
Nung isang gabi, I get to watch the news kasi wala akong pasok and I was finishing something kaya naka-on lang yung TV. Pinag-uusapan nila yung Unborn Child Law, which is connected sa RH Bill, kasi nga naman plano nila na magmulta sa lahat ng nagbebenta ng contraceptives na walang reseta ng 100,000 pesos. Sabi kasi nila, pwede daw maging abortificient ang mga ito. Napanood ko pa si Ralph Recto sabi niya dapat linawin daw kung ano ang abortificient, as in my definition para mas maayos nila yung RH Bill, kasi nga naman ang RH Bill, although sinasabi nila na pro-abortion ito, which is not, it is more pro-chance nga eh at I know, Philippines ang isa sa mga country na super nagpapahalaga ng human rights kaya ang ultimong hindi pa naipapanganak ay nais nilang maprotektahan kaya kahit ang RH Bill, whatever those anti-RH Bill say, is also trying to protect even the unborn. Anyway, not going to talk about the RH Bill, bahala na kayo diyan basta magpupurple na lang ako. Hay, sana lang magkasundo na sila at maayos nila tong mga batas na to para masaya lahat. Next issue, divorce. Wah, kapag ang Malta daw nagkadivorce na Philippines at Vatican City na lang ang walang divorce. Ok nga yun eh, at least ang old-fashion pa rin natin. So what kung mataas ang annulment cases sa bansa natin, it just shows us more that we are not yet ready to have divorce kasi nga pano kung magkadivorce eh di ganon ganon na lang, porke hindi na magkasundo, ayawan na, eh di mas lalong dadami ang magulong pamilya at kaawa-awang mga bata. At least ngayon, ung mga kumakabit dahil napatol sa mga 'separated' na lalake eh pwede pa nating husgahan. Hahahah, joke lang. Kasi isipin niyo ah, ngayon pa lang wala pang divorce, annulment na ang solusyon ng mga taong maagang pumasok sa pag-aasawa at narealize na hindi pala nila keri yung napangasawa nila tapos me mga anak sila, tapos ang gulo-gulo ng set-up kasi nga naisip nilang magpannul na lang at magkagulo pero during the annulment process, me mga kaulayaw na ibang tao ang both parties which makes the life of their kids na mas magulo, hindi lang naiisip ng mga magulang. Pano pa kaya pag me divorce na eh di pakasal na lang tayo ng pakasal tapos onting hindi lang magkasundo, sabihin na lang irreconcilable differences tapos divorce tapos hanap ng ibang ulam tapos kasal ulet pag nagsawa ganon ganon na lang, di ba, parang tanga lang??? hindi niyo na iniisip ang mga bata na bunga ng mga hilaw na pagmamahalan na nauwi sa annulment... tsk, tsk, tsk, tsk.
No comments:
Post a Comment