Hmm, alam ko tapos na ang June at tapos na ang wedding month pero whatever. Nainspire lang ako kasi ikakasal si Anne(Eguia) sa December. Haha, walang connect. Naaliw lang ako sa motif nila na red-black. Si TL Dre din ikakasal din this year ata, I'm not sure pero she's into planning mode na. Ang theme naman nila ay blue-green. Whatever, dadating din ako diyan eventually. Natutuwa lang ako kasi weddings are also another way to dress up, syempre, alangan namang magdress up ka na parang me okasyon sa work, aasarin ka lang ng mga taong, asan ang prom? Hindi lang naman ang mga gowns and the bridesmaids' dress ang gusto ko about weddings, gusto ko rin yung mga hairstyle ng mga naattend, parang nagiging regal and ethereal yung mga tao. I remembered the last wedding that I attended, hindi ako nagmukhang regal and ethereal, ok lang yun, hindi naman talaga ako close sa kinasal, first time ko nga lang siyang nakita sa buhay ko. Taga-kain lang ako saka taga fill ng pwesto dun sa lugar kaya hindi ko nafeel ang need to dress up ng bonggang bongga. Just in case, me attendan akong wedding, I need your opinion kung alin ang pinakamagandang gawin sa buhok. Etong nasa baba ang mga nakita kong pics sa net na mejo natypean ko, please comment kung alin ang pinakamaganda.
Gusto ko yung mejo me curl-curl saka me headband parang mas madaling icarry kaso ang problema ko, kelangan kong makakita ng perfect headband saka masyado pa atang maiksi yung hair ko para kulotin.
Gusto ko rin ng messy ponytail look kaso baka pagkamalan akong mahangin lang sa labas at hindi nila magrasp yung idea na messy look talaga so ewan ko. Mahirap lang ipull off for someone like me ang mga ganyang look. Hahahahahahaha.
Gusto ko rin sana ng updo kaso baka sabihin ang OA ko naman, hindi naman ako yung ikakasal. Hahahahaha.
Yung ganitong half pony tapos curly ok din naman, parang sexy whatever lang. Hmmm, mejo wala rin akong maisip na negative about having this hairstyle except sa maiksi ang buhok ko kapag kinulot, kapag hindi ko naman kinulot baka sabihin nila, hindi man lang ako nageffort. Hay, ano ba yan!
No comments:
Post a Comment