Thursday, July 14, 2011

The Little Mermaid

Lately, nakakapanood ako ng mga Korean dramas. Nakapanood ako ng ilang episodes ng my girlfriend is a gumiho saka Secret Garden. Parang common theme nila ang Little Mermaid at ang isang action school. Yung my Girlfriend is a Gumiho, hindi ko alam pero asa action school yung lalake, hindi ko masyadong nasundan kwento nito eh, sorry naman tapos yung Secret Garden, stunt woman kasi yung babae. Sa my girlfriend is a gumiho, nakita ng gumiho yung book na Little Mermaid tapos dun sa Secret Garden, parang feeling nila mala-Little Mermaid ang love story nila kasi from different worlds sila and they can never be together or something. So nacurious ako, parang ang dating kasi ang lungkot lungkot ng Little Mermaid, eh hindi ako sanay sa ganong kwento so nagresearch ako.

Lumaki kasi ako sa kwento ng Little Mermaid na Ariel ang kanyang pangalan at mejo snub yung mga sisters niya at nagkaroon siya ng happy ending pero eto pala ang totoo nitong kwento. Ang pangalan niya ay Sirennetta. Kapag nag15 ang sirena, dun lang pwedeng sumilip sa surface at pagkita niya, nakita niya ang prince. She fell in love with the prince. Nirescue niya nung lumubog ang barko kaso hindi siya nakita ng prince at feeling ng prince ang isang temple girl ang nagligtas sa kanya kasi yun yung nakita niya. Itong si Sirennetta, merong lola at sabi ng lola ang mga tao ay may paa at may soul unlike nila na nagiging sea foam na lang kapag nadedeads tapos itong Sirennetta, nagwish na magkaroon ng mga ganon at tinake advantage yun ng Sea Witch pero me kapalit, mawawalan siya ng voice tapos kelangan talagang mainlove itong prince na to para

maging permanent at hindi pa nagtatapos diyan, mamatay siya at magiging sea foam na lang siya pagdating ng following dawn after his marriage, ok lang daw sabi ng Sirennetta. hay, maling move! Ang hirap na kayang maghanap ng love ngayon tapos specific pa yung kanya, hay ewan.

So pumayag siya kahit na super torture ang every step niya. Hay, nagkita sila ng prince pagdating niya sa lupa pero dahil sa mute siya, wala kahit anong ganda ng boses niya, too bad, hindi niya magagamit para mainlove ang prince. Eto pa, kahit na super bait at lagi silang magkasama ng kumag na prinsipe na to eh, yung temple girl lang daw ang iniisip niya lagi kasi ito ang nagsave sa kanya, unfortunately, hindi niya masabi na siya yung nagsave sa prince dahil pipi na nga siya. So eto pa, pinilit ng daddy ni prince na ikasal siya sa ibang princess

sabi ni prince ayaw niya kasi gusto lang niyang pakasalan yung nagsave sa kanya at surprise! surprise! yung princess pala yung temple girl. She was being educated sa temple daw kaya siya asa temple. Hay. So dumating ang mga sisterrettes nitong si Sirennetta para iligtas siya sa nakaantabay na kamatayan.

Pagdating nila sabi kelangan lang patayin tong prince na to para mailigtas na siya sa mga unfortunate fate na naghihintay sa kanya. Wow ah, pinagpalit pa ng mga sisterrettes niya ang kanilang hair para lang mailigtas tong engot na si Sirennetta. Hindi siya pumayag na patayin yung prince, tinanggap na lang niyang mamatay. Naging fairies of the air naman siya so hindi naman siya bastang naglaho sa Earth at umaassist daw sila sa mga souls para makaakyat sa Heaven so makakapunta pa rin siya sa heaven. Kahit na hindi niya nakuha yung love ng

prince, dahil sa kamartyran niya at kabutihan, yun yung reward niya. Ang sad pa rin di ba, nagtiis siya ng sakit sa bawat step niya when she had feet tapos siya naman talaga ang mahal ng prince eh, hindi lang nabunyag sa prince na siya talaga ang babaeng yun. Nakakalungkot lang.

For the link of the real story of the real mermaid, here's the link: http://childhoodreading.com/?p=23

Sabi naman ng iba, happy ending pa rin. Ewan nabasa ko lang sa wikipedia, wala na akong masyadong pakialam sa sinabi ng mga critics after that, ang alam ko, I'm upset. hahahahaha.

No comments:

Post a Comment