Well, ako ang taong laging galit. Galit ako sa buhay ko, galit ako sa lahat ng nanguunderestimate sa akin at galit din ako sa sarili ko at basta galit lang talaga ako. Gusto kong gumanti sa lahat ng kinagagalitan ko but then I realized that I just need to let go and everything just suddenly became lighter and parang mas madali na ang buhay ko. Medyo mahirap na proseso ang acceptance at letting go so ayun but at least I'm feeling better and at secure na ako ngayon at mataas na ang self-esteem ko at focused na ako sa lahat ng goals ko so I'm just glad.
Anyways, hindi naman talaga ang paglelet go ang natutunan ko pero kasi naisip ko na mag-stop maging angry at petty things at hayaan ko na lang ang buhay at ang mundo na mag-ayos ng buhay ko. I'm going to do my best sa buhay ko at bahala na. Ganito kasi yan, madalas naiinis ako sa mga tao sa mga simpleng bagay at narealize ko hindi naman dapat kasi nga strangers and random people lang naman sila so let go na lang at wag na lang akong mainis. Tapos me mga tao naman sa buhay ko na me intensyon talagang masama at minsan nakakagalit sila pero basta palagi ko na lang iniisip ang dharma.
Naniniwala kasi ako sa law ng Dharma at Karma. Dharma parang Natural laws and being moral, blah, blah, blah. Anyways, ganito kasi yan ung isang certain tao, mapaghiganti siya. Kahit na mas nakatatanda siya sa akin, kelangan niyang gumanti sa akin. Anyways, I never had the intention of hurting him, my intention was because I cared for my former friend but anyways, akala ko nung nag-uusap na kami, everything is okay na since lalake naman siya, at hindi naman uso sa lalake ang plastik at ang pumapatol sa babae but I was so wrong about him. Oh well, anyways, so nung talking terms na kami, kelangan niyang gumanti sa akin and he did but it backfired. I mean, it was a blessing in disguise, nagkaroon ako ng realization and now, I'm happy and satisfied about life. Hindi na ako restless at palakain at hindi na ako tinatamad magexercise, unlike before na basta, mahirap iexplain ang buong sitwasyon, mahabang kwento. Bottom line, this person na mapaghiganti, his plan did work out good for me instead of making me miserable.
And what happens when you are adharma (immoral)? Well, you're not blessed. He is immoral in many ways, bukod sa ginawa niya sa akin, he has also done things para lang wag malost ang kanyang posisyon at pagtawanan ng mga tao dahil napakayabang niya so natuklasan agad ang mga ginawa niya at syempre, ang career niya, hahahaha... epic fail. Tatawa na lang ako. I don't mean to gloat, I am not happy for his failure pero yan ang tinatawag na karma. Sabi ko sa inyo eh, stop being angry, let life and karma get those people who never mean well to you and always mean the best for those who want to hurt you. Sabi nga sa misa last Sunday, be meek and gentle, wag maging mapaghiganti at ipagdasal mo na lang sila.
No comments:
Post a Comment